Sunday, February 2, 2014

Sinong nagsabing MATABA ako hah?!?

(Posted this on Jan. 4, 2011. LiveJournal account. As much as I hate to admit it, I have grown bigger and bigger since then. -_- )






PORKet ba dumagdag ako ng "konting" timbang (mga 22 lbs lng nmn ah. UPDATE: nadagdagan pa ng another 20 lbs haha.) eh mataba nako?

PORKet ba umuusli at nakabuyangyang ng bonggang-bongga ang tiyan ko, nakaupo man o nakatayo eh mataba nako?

PORKet ba lumaki ng "konti" ang mga braso ko (at iniisip nilang ng-gy-gym ako. body-building kumbaga) eh mataba nako?

PORKet ba halos lahat ng kaibigan ko ay pinapag-gym ako eh mataba nako? (concerned lang sila sa health ko. gusto lang nila akong maging fit.)

at PORKet ba inadjust na ng mama ko ang hook, butones, at kung anik anik pa sa lahat ng mga uniform ko dahil ang sikip na sa tiyan ko, eh mataba nako?

HINDE. CHUBBY LANG AKO.

Kasi nmn mali yang term na mataba eh. Tumaba pwede pa. At least yon parang feeling ko konti lang ang tinaba ko.

Tatanggapin ko pa yon ng buong puso. Kaya sa lahat ng nagsasabing "ang taba-taba ko",eto ang mga tanong ko sa inyo.

• pag ba sinabihan ko ang kaaway ko na "you're such a bitch!", ay masasabi ba niya sa akin na "kung beach ako, salbabida ka!"? HEHE. HINDI SIGURO. (jez, tnx for the borrowed banat :P)

• pag ba sumasakay ako sa pedicab eh sinusumpong ng asthma o kya nmn eh pinuputukan ng ugat sa paa ang padyak driver? HINDE.

• pag ba sumakay ako sa dyip eh iniisip ba ng driver, barker, at mga taong katabi at kaharap ko na dapat pangdalawang tao ang bayad ko? HINDI RIN SIGURO.

• pag ba magtatago sa likod ko si Chokoleit eh matatakpan siya ng bonggang-bongga? HAHA. HINDI RIN.

• pag ba umupo ako sa isang upuan eh lumalangitngit ito ng walang puknat? NOPE. I don't think so :P

• pag ba hinamon ko ng away ang lalake, eh papatulan niya ako dahil feeling niya ka-level ko lang siya, kung katawan at lakas lang ang usapan?

• at if ever man pinatulan nga ako ng lalakeng yon at bigla niya akong sinuntok. pag ba nakahandusay ako at biglang napabilak, at tumaas ang skirt ko eh biglang tatalikod ang isang umuusyosong lalaki dahil diring-diri siya sa nakita niya? at hindi man lang ako agad tutulungan ng iba dahil alangan sila na baka hindi nila ako mabuhat? HAHAHA! HINDI AKO SI NYMPHA, mga kapatid.

• pag ba pinaupo ako sa elementary school arm-chairs na dikit-dikit ay hindi ako kakasya, at mangangailangan pa ako ng monobloc? HINDI NAMAN.

• pag ba dumating sa point na kailangan magkandungan, eh ako pa ang magkakandong sa boypren ko dahil hindi kakayanin ng powers niya na kandungin ako?

• and last but not the least, kung mataba ako, edi sana malaki din ang boobs ko! PERO HINDI EH! Ang saklap diba? mas malaki pa ang tiyan ko sa boobs ko.

at yan lang ang point ko mga friends. hindi po ako mataba. Tumaba lang. :P

Gusto ko lang talagang magsayang ng oras, at sana nasayang din ang panahon niyo sa pagbasa nito, haha!





Thank you for reading! Like, Share, or Follow this madwoman's blog if you have enjoyed taking a peek inside her dark, cobwebby mind.

You can use the left/right arrow keys to navigate this blog (older/newer posts).


You can also follow her on:
movie/book blog: A Moot Point

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...