Monday, August 4, 2014

Bakit Nga Ba Wala Akong Boyfriend? A "Liwayway Rant" Special. Be Warned, MedyoBitterOcampo.

Medyo nababadtrip nako sa mga taong tanong ng tanong kung bakit wala akong boyfriend or kung kailan ako magpapakasal. Medyo lang naman. Ganon ako ka-understanding! Kasi kahit bordering on pakialamera ang level ng mga dora the chikadoras sa paligid-ligid, eh naiintindihan ko pa rin sila. Bakit? Kasi naging mababaw din ako dati. Naging judgmental din ako dati. Nag-aassume, feeling superior, nangengelam ng buhay ng may buhay. Thank god dati lang yon! Eh kumusta naman kayo mga chikadoras?

So bakit nga ba ang hilig ng mga pinoy na mag-overstep ng boundaries? Tipong pumepersonal level na kahit "hi, hello" lang ang timpla ng conversation."Wala ka bang boyfriend?" - as if pag meron akong boyfriend eh makakatulong ang sagot ko sa buhay nila. Makakakain ba kayo sa Army Navy pag sinabi kong "oo, ang sweet nga namin ng boyfriend ko eh!!"

Siguro sa iba eh walang malisya ang mga tanong, may masabi lang kumbaga. Pero di niyo ba naiisip? Na kaya maagang natututong maglandi ang mga kabataan ngayon eh dahil kahit 10 years old pa lang ang bata, and opening ni Kumare o ni Tito/Tita kapag nakita eh "Kegandang bata! Siguro may boyfriend ka na noh? uyyyyy!" LOL. Gusto ko kayong i-hadouken lahat! Yan lang ba ang ineexpect niyo sa mga tao? Na ang ultimate goal ay mag-boyfriend... tapos mag-aasawa... tapos mag-aanak.... (pwede ring ijumble-jumble ang cycle.) ... tapos ano? Nga nga? Try niyo kayang itanong for a change "Meron ka bang natulungang tao ngayon?" o di kaya naman "Paano ka makaka-contribute sa ikagaganda ng society natin?" ganon! Hindi yung pinupush mo pa na magpacute at mag hanap ng boylet/girlalu! Ang babaw lang diba? Di ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Ang galing niyong pumuna sa ibang tao. Eh kayo ba pinapakialaman ko kapag hanap kayo ng hanap ng jowa. Palit ng palit. Status pa ng status sa facebook - may foreforever pa kayong nalalaman at sinasabayan pa ng hashtag true love, with sweet pic na kahit langgam magkaka-diabetes sa sobrang kasweetan. Tapos ano? Di pa man nakakalabas ang bagyo for the week eh break na kaagad? Then hanap ng bago. Masaya na kayo non? Tuwang-tuwa ako sa inyo gusto ko kayong i-hug, wait for it, - sa leeg.





Ok lang naman kung masaya kayo na may love life, kasi kanya kanyang trip lang yan. Kung masaya kayo sa married life then pak! bigyan ng jacket yan! Kayo na! I'm happy for you. Pero walang pakialamanan. Ang gusto ko lang namang iparating sa makikitid niyong mga utak, ay iba iba ang goal ng mga tao. Hindi porket walang lovelife, automatic pathetic, - di ba pwedeng choice lang? Si Mother Teresa kukwestiyonin niyo rin ba?

So bakit nga ba sa edad kong to eh wala pa akong bf/asawa? Simple lang ang sagot. AYOKO PA. It's my life. It's my personal choice. Tapos mag-aassume kayo na tomboy ako? Dahil hindi ako girly? Dahil mahilig akong mag T-shirt? Eh dun ako kumportable eh! Sa taba kong to, palagay niyo magfi-fit ako na damit.. sa loob ng bahay??? Suman lang ang peg? Ayoko mag-dress kasi yung upo ko pang-kanto - edi litaw ang perlas ng silangan? Agad agad tomboy? Ganon kayo kababaw mag-isip at hindi niyo ma-grasp ang idea na may ibang mga babae na hindi marriage ang pangarap. Nakakababa ba ng pagkatao yon? Hindi. Kayo oo, kasi di niyo gets na hindi lang isa ang way of living. May alam pa kayong comment na baka tumandang dalaga ako - so what?! Paki niyo? Concerned citizen, bigyan ng standing ovation, clap clap clap! Kapag ba nag-asawa ako eh bibigyan niyo ko ng house and lot? Sige magboboyfriend ako, oh tapos? Bibigyan niyo ko ng monthly allowance?  May alam pa kayong "sayang naman, wala pa siyang asawa/anak/boyfriend" - LOOOL, naririnig niyo ba sarili niyo? Bakit sayang? Ang daming pwedeng gawin sa buhay! Para sakin sabagal (for now) kung maghahanap pa ko ng lalake na puro pa-cute lang naman ang alam, tapos mambababae pa kasi cool daw pag ganon. Paano ko magagawa ang gusto ko talagang gawin kung hahayo ako at magpaparami? May time pa ba akong matutong French kung nagpapadede ako ng 2 bata tapos kailangan ko pang magsampay ng labahin at magluto ng adobo? Wow. So exciting. Not. Kung may makilala akong lalaking may utak na type ako kahit walang make up, then why not. But for now.....

Walang pakialamanan. Kiber ko sa inyo kung pang-100 niyo ng syota yan. Kiber ko rin kung may tatlong anak na kayo. Kanya-kanyang choice sa buhay. Basta masaya tayong lahat. Wag kayong judgmental. Lawakan niyo ang mga isip niyo. Presko sa pakiramdam, promise!


I don't wanna be an ant. Di niyo gets? I-google niyo, di puro pag-aabang ng tweets ni Vice Ganda ang inaatupag niyo. BOOM PANES!


Hinde sige, eto na, LOL.

"I know we haven't met, but I don't want to be an ant. You know? I mean, it's like we go through life with our antennas bouncing off one another, continously on ant autopilot, with nothing really human required of us. Stop. Go. Walk here. Drive there. All action basically for survival. All communication simply to keep this ant colony buzzing along in an efficient, polite manner. "Here's your change." "Paper or plastic?' "Credit or debit?" "You want ketchup with that?" I don't want a straw. I want real human moments. I want to see you. I want you to see me. I don't want to give that up. I don't want to be ant, you know?" -Waking Life



Thank you for reading! Like, Share, or Follow this madwoman's blog if you have enjoyed taking a peek inside her dark, cobwebby mind.

You can use the left/right arrow keys to navigate this blog (older/newer posts).


You can also follow her on:
movie/book blog: A Moot Point

2 comments:

  1. I wish I understood your language, that looks interesting.. :) I gathered that possibly some closed minds are annoying you. I always said," If you don't feed the mouth that harms you, soon it will starve." lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you, I usually don't care what people say . But sometimes, we snap. We're just humans lol. Some people just needed to be given a slap of reality.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...