Minsan, darating talaga sa buhay ng tao na iaalay mo na lahat ng meron ka sa kung sinong santo man ang pwede mong tawagin dahil nasa isang sitwasyon ka na sobrang hirap at di mo na alam ang gagawin mo. Yung feeling na atheista ka pero bigla ka mananalangin sa diyos na maykapal na sana.... sana....
Natigilan ako sa pagmumuni-muni dahil tagos sa eardrum ang boses ni manong barker na nagtatawag ng pasaheros.
Punyeta. Anim? Ano, anim na duwende? Kalahating-puwit ko na nga lang ang nakaupo ng matiwasay, yung kalahati patay na, tapos anim pa daw, tig tatlo kaliwa't kanan? Punyeta talaga.
Walang tigil ang pag-sigaw ng barker.
Panandaliang nagdilim ang paningin ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagmulat ko napatitig ako sa nanlilimahid na leeg ng lecheng barker na naka-highlights pa ang naka fishcut niyang buhok. Gustong-gusto kong kunin ang ballpen ko at itarak sa matabang ugat sa leeg niya, - yan, habang nakatingin siya sa kanan niya - ang sarap yatang makitang tumalsik ang dugo niya sa bunganga ng mga nagdadaldalang call center agents sa harap ko.
Makakapatay talaga ako ng tao! Kahit anong ibigay niyo sakin - martilyo, kutsara, baso, sandok, lapis, kahit charger - makakapatay talaga ako. Huwag niyo ko susubukan lalo na taimtim kong kinakausap si lord.
Di lang pawis ang tumutulo, pati ata luha. Ang hirap. Walang nakakapansin pero sa loob ko parang sasabog na. Akala lang nila wala akong pasensyang maghintay. Akala nila wala akong konsiderasyon. Pero pasensya na tao lang, di ko talaga napigilan na napalakas ang mura ko ng sabihin ni Mr. Fishcut na "dalawa na lang aalis na!!!" Deadma, kunwari wala ako alam, pero sa isip ko sinusunog ko na siya ng buhay, pati na mga katabi ko.
Pucha. Eh sa taeng-tae nako eh? Di pa ba aalis? Lord, please po magpapakabait na po ako, bigyan niyo lang po ako ng strength na malampasan to.
Ganyan mo mako-convert ang isang atheista.
Thank you for reading! Like, Share, or Follow this madwoman's blog if you have enjoyed taking a peek inside her dark, cobwebby mind.
You can use the left/right arrow keys to navigate this blog (older/newer posts).
You can also follow her on:
Goodreads:Lucresia Strange
No comments:
Post a Comment